PAKINGGAN MO ANG KAPALIGIRAN
Sa muling pagmamasid natin sa kapaligiran
Napapansin mo ba kung anong nais iparating sa karamihan?
Hindi ka ba nagbubulag-bulagan sa katotohanan?
O di kaya’y baka naman ika’y nagbibingihan?
Subukan mong idilat mga mata sa napagmamasdan
Huwag magtangkang takpan lahat ng bahagi ng katawan
Dahil ika’y kanyang nilalang na mayroong gagampanan
Dapat kumilos ng naaayon sa kanyang kagustuhan.
Ang buhay ay binubuo ng iba’t ibang pakikipagsapalaran
Walang nakababatid kung anong bukas na daratnan
Wala ring maaring magsabi kung anong tunay na patutunguhan
Ngunit iisa lamang makapagsasabi sa atin ng lubusan.
Sa panahon ngayon nalilito ang sambayanan
Kung saan at sino ang dapat susundan.
Bagamat lagi sanang isaisip na may tamang daan
Dahil ito ang nakasulat sa lumang kasaysayan.
KABAYAN SA INYONG PAGLISAN
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan
Kasabay ay nagngangalit kidlat sa kalawakan
Kung anong ibig ipabatid sa karamihan
Walang nakakaalam kahit sinuman.
Sa bawat araw na dumaraan
Kasamahan na mga volunteer nagsisiuwian
Parang napakalungkot kung pagninilayan
Dahil matagal din aming pinagsamahan.
Ngayong ang korea ay kanilang iiwanan
Nais ko sanang sila’y pabaunan
Kahit di ito materyal na kagamitan
Subalit maari namang pakaingatan.
Nawa sa pagbabalik sa Lupang Tinubuan
Muling namnamin ang tunay na kapayapaan
Huwag mag-atubiling magtanong kung kailangan
Dahil ipinapahiwatig pagmamahal sa sariling bayan.
Kung sakaling iiwanan muli Perlas ng Silanganan.
Baunin ang mga pinagdaanang karanasan
Na magiging gabay ninyo sa dalisay na daan
At ituring ito’y isang gintong kayamanan.
PATAWAD, PAALAM AT SALAMAT
Ang pinakamadaling sabihin sa isang taong iyong nagawan ng kasalanan ay “Patawad”, samantalang ang katagang pinakamasarap pakinggan kapag nakagawa ka ng kabutihan sa kapwa ay “Salamat”. Datapwat ang pinakamahirap na katagang maaring ipahayag sa mga taong iyong lilisani’t iiwaan ay “Paalam”
Kaalinsabay ng pagbagsak ng mga munting niyebe sa kapaligiran isang nakakalungkot na bagay ang maari nating mapagnilayan sa panahong ito. Kahalintulad ng punong hitik ang bunga subalit dahil sa di inaasahang pangyayari mayroong mahirap na iwasan na dapat nating isaalang-alang .
Ngayong ipinatutupad ang bagong batas hinggil sa mga manggagawang dayuhan. Tila marami ang nabahala at nangangamba na baka sa darating na araw ay masabat sila ng mga immgration officers. Kaya minabuti nilang piliin na lisanin ang bayang matagal na nilang pinaglilingkuran, ang lugar na minsa’y naging bahagi ng kanilang buhay, ang bansang hinubog ang kanilang kaluluwa’t isipan tungo sa wastong daan.
Nitong nakaraang araw ay tatlong volunteer ng Hyehwadong ang nagdesisyong tumulak patungo pabalik sa Lupang Tinubuan o Perlas ng Silangan. At sa mga susunod ay magiging marami pa marahil ang magdedesisyon na lisanin ang bansang Korea.
Walang nakakabatid kung anong magiging kahihinatnan ng mga migranteng mananatili pa rito samantalang wala ring makapagsasabi kung anong bukas ang naghihintay sa mga uuwi. Ngunit natitiyak nating lahat na makakapiling na ng mga migranteng uuwi ang kanilang mga mahal sa buhay na napakatagal nilang di nayayakap at di naipadarama ang init ng kanilang kalinga’t pagmamahal.
Minsan ang mga taong ito ay naging bahagi ng Sambayanan , dahil tuwing Linggo nakikita natin sila na nagpapakahirap maglingkod sa simbahan kahit sabihin pang galing ang iba sa panggabing gawain.
Kung nabanggit sa unang talata ng panulat na ito ang tatlong salita marahil maari rin nating bigkasin ang “Patawad” kung ang ibang volunteer ay minsan di sumusunod na gaya ng inyong dapat asahan sa mga taong naglilingkod sa simbahan, maging ang inyong kapwa volunteer na nakagawa ng kamalian sa inyo. “Paalam” dahil hindi natin batid na sa muling pag-ikot ng daigdig ay muli pa ba tayong magkakasama, at “Salamat”sa mga kabutihan na inyong naiambag sa Sambayanan. Naniniwala ang lahat na sa inyong munting kakayahan ay naging dambuhala ito sa paningin ng karamihan. Salamat dahil nagampanan ninyo at nagawang maglingkod ng dalisay sa kabila ng mga kahinaa’t kalakasan na laging nagsisilbing balakid tungo sa tagumpay.
Hayaan nawa na sa inyong pagbabalik sa ating sariling bayan ay matagpuan ninyo ang kapalarang matagal ng hinahanap, at kahit mapalayo kayo sa ibang volunteer, dahil sa di ninyo ipinagkait ang konting oras na dapat sana’y inyong ipapahinga pagkatapos ng gawain Salamat sa apat na T’s na inyong ibinahagi ang Time,Talent,Treasure at Truthfullness na naging tanglaw sa mga taong naliligaw ng landas.
11.29.2003
ANG PAGIGING CHURCH VOLUNTEER AY KATULAD NG HALAMAN AT TABAK
Sino ba sa mga volunteer sa kasalukuyan ang maituturing na walang suliranin sa buhay? Marahil di maikukubli na ang bawat isa ay may mga hilahil na nakaatang sa kanilang balikat , subalit kahit iba’t ibang uri maari nating sabihin na maliit o malaki man, problema pa rin na matatawag.
Ang pagiging church volunteer ay maaring maihalintulad sa isang halaman dahil ito ay nagsisimbolo ng luntian at ang kulay na iyon ay sumasagisag ng tunay na buhay. Kapag itinanim mo ito sa lupa dapat laging dinidiligan ng pag-aaruga at pagmamahal na hindi mo lamang dapat gamitin sa pansariling kapakanan.
Ang halaman ay hindi lamang nangangailangan ng ordinaryong pag-aalaga dapat pupunuin natin ito ng mga elementong sangkap upang ganap na umusbong at umani ng pagpupuri mula sa mga nagmamasid.
Ayon nga sa agham ang sinag ng araw at tubig ang pangunahing elemento para matawag nating mabilis ang paglago nito at upang makapagbigay ng mga karapat-dapat na bunga. Datapwat kahit ang bunga ng halaman ay minsan kaaya-aya at minsan naman nabubulok. Kaya nga sa volunteers merong napupulaan na puwede nating sabihin na nabubuwal agad sa panahon ng pagsubok at meron namang maituturing nating maganda ang nagiging resulta ng kanyang paglilingkod. Subalit sa likod ng katotohanan bawat isa ay nagsusumikap na mapalago ang kanilang relasyon sa tao at sa Panginoon. Mayroon nga diyan na mula pa sa malalayong lugar nagtratrabaho ngunit ang hirap at puyat ay di alintana sa kadahilanang mayroon silang tinatawag na commitment sa Diyos. Gaya nga ng kasabihang kung ika’ynagmula sa butil dapat kinakailangang gamitin mo ang lahat ng pamamaraan para umusbong ka ng maayos.
Bagamat lagi na nating napapakinggan na ang pagiging volunteer ay maari ring maihalintulad sa isang tabak na kapag inihahasa lalong tumitibay, matalas at nagiging matatag sa panahon ng tukso’t kalungkutan.
Ang Diyos ang siyang tagapagpanday ng ating buhay at habang idinadarang tayo sa mainit na baga upang maging ganap na tabak, hindi talaga maikakaila na dadaan tayo sa isang prosesong kahit ang buhay natin ay maitataya alang-alang lamang sa ating mga kababayan.
Ngunit bilang isa ring volunteer ang ating pananampalataya sa Dakilang Lumikha ay maihahambing sa halaman at tabak
Ang pananampalataya natin kahit maliit man kung ating pinapahalagahan naiaabot natin ang ating kamay na laging bukas sa ating kapwa. Gaya ng halaman na kapag ito ay lumaki maaring magbigay ng lilim sa panahon ng matinding init.
Katulad ng tabak na kapag nahasang tuluyan at tumalas makakaya nitong hatiin ang matitigas na bagay. Iyan ay patungkol na maari nating malampasan ang lungkot at kapighatian, ang hirap at pasakit
ANG BAHAGHARI AT ANG ATING PIRA-PIRASONG PANGARAP
Sa kabila ng takot at pangamba na ating kasama-sama sa pang-araw-araw na gawain .Hindi maikakaila na marami pa rin sa atin ang nagtataglay ng katatagan ng loob sa lahat ng oras na minsan dahil sa pinanghahawakan na iyan ay nagsilbing instrumento kung paano nakakamit ang mga minimithi sa buhay.
Sa ating pagbabasa ng pahayagang Sambayanan marami tayong napupulot na aral kadalasan ang iba’y ginagawa itong inspirasyon at maging sa pagtulog ay lagi nilang katabi ang babasahing ito na naging dahilan upang magkaroon ng kaganapan at mabuo ang kani-kanilang pira-pirasong pangarap.
Kung ating napagnilayan ang artikulong “Mayroon pa bang himala?” Marahil tiyak nating walang dapat pang pagtalunan. Kung ipinalabas ng pamahalaang Korea na bawal magtrabaho sa mga pabrika kung ang migrante ay walang sapat na visa. Bagamat dahil sa dobleng pananalig nagkaroon ng katuparan na maglingkod muli ang mga tinanggal sa pabrika.
Sabi nga ng matatalinong tao “ Hindi na kinakailangang ipagsigawan pa natin na bakit ang tagal sumagot ng Diyos sa ating kahilingan ngunit kung tunay ka namang nagmamahal ng lubos sa kanya nagkakaroon ng himala ang ating pananalig.
Magtatanong tayo minsan na bakit eleventh hour na nang magdeklara ang pamahalaang Korea na maari palang muling magtrabaho ang ating kababayang pinagtatanggal sa pabrika. Bakit di natin subukang balikan ang lumang kasaysayan ni Abraham? Noon sabi ng Diyos sa taong nabanggit na ialay ang kanyang nag-iisang anak kung tunay itong nanalig sa Panginoon bagamat namamayani ang lungkot at pagkabahala ay di ito nag-atubiling sundin ang utos kahit sa kabila ng katotohanan na ang kapalit ay pagkitil ng sarili niyang binhi. Subalit dahil sa kanyang dalisay na pagtalima sa Diyos ay nagbago ang kautusan nito na sinusubukan lang pala siya kung gaano katatag ang kanyang paniniwala .
Ang himala ay di kaagad nating nakakamit ito ay pinaghihirapan at pinagsusumikapang abutin kahit ang kapalit ay sariling buhay.
Ngayon subukan nating ituon ang pansin sa ulap kahit batid nating nagbabadya ng malaking unos ang paparating at bubuhos ang napakalakas na ulan datapwat lagi nating tatandaan na pagkatapos nito ay susulpot ang bahagharing binubuo ng iba’t-ibang kulay na magsisislbing inspirasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil sa ito ay VIBGYOR magmula kulay violet hanggang pula may kanya-kanyang nais ipahiwatig sa karamihan.
Ang bahaghari ay simbolo ng bagong pag-asa, bagong bukas upang muling mabuo ang ating pangarap na minsa’y hinamon at sinubok ng tadhana.
Datapwat lagi nating panghahawakan na ito’y makakamit lamang kung paano tayo nananalig sa Makapangyarihang Lumikha.
Ang Halamang Bonsai At Ang Buhay
Maraming katanungan ang ating nasasalubong sa araw-araw na paglalakbay. Minsan dahil sa di natin makayanan kaagad humihingi tayo ng tulong sa Maykapal. Naitanong ba natin kung bakit pagkatapos nating malutas ang isang problema ay kaagad may panibagong dumarating na maituturing na mas mahirap ? May sukatan ba ang Diyos kung anong hilahil ang kanyang ipapasan sa ating balikat?
Paano ba lumalago ang isang tao? Kung siya ba’y laging nakahiga sa kama pagkatapos ng trabaho o di kaya’y kung ang laging kaharap niya ay makina na napakaingay sa loob ng kalahating araw (12 oras)?
Maraming bagay ang ating napagmamasdan sa bawat pakikipagsapalaran. Kung tutuusin mayroong ginawa ang Makapangyaring Ama na maaring lumutas sa ating mga problema kung susubukang pagbubulayang mabuti.
Hindi ba tayo nahihiwagaan kung bakit ang Bonsai na halaman ay patuloy na lumalago kahit napakaliit nito? Hindi ba tayo nagtataka na sa kabila ng kanyang sukat ay maituturing na natatangi sa ibang halaman.
Ayon sa mga matatalinong tao katulad ng ordinaryong halaman ang Bonsai ay nangangailangan din ng wastong pag-aalaga kinakailangang lagi itong puputulan ng kahit konti upang ganap na umusbong at maging madahon ang kanyang tangkay.
Kung ating pagninilayan maari nating maihalintulad iyan sa ating nakikita sa paligid. Sino bang mayamang tao ang walang problema at sino naman mahirap na nilalang na ligtas sa mga pagsubok. Ang pagsubok ay matagal ng kakambal iyan magmula pa sa kasaysayan ng ating unang ninuno .
Dito sa Korea maituturing ba nating higit na mapalad ang mga nakarehistrong migrante kaysa sa mga TNT? Sino ba ang unang nakipaglaban ng batas na iyan? Datapwat huwag nating ituon ang pansin sa pakikipagtalo kung sinong higit na sinuwerte o sinong mga minalas, at ang pagkakaalam ko lahat ay pantay-pantay.
Kahalintulad ng halamang nabanggit kahit gaano pa ang pagsubok na maari nitong masalubong iisa lamang ang puwede nitong patunguhan at ito ang pag-usbong mula sa kanyang kinalalagyan, hindi maaring habambuhay na nakayuko lamang ito sa lupa datapwat taas noo itong haharap sa mga magmamasid at buong tatag na magpupunyagi.

Subscribe to:
Posts (Atom)