Soulmate, Gaano Ba Kadalas Ang Minsan?
Gaano ba kadalas ang minsan?
Ito ang lagi kong sambit sa isipan
Kung panakaw tayong nagkikita sa tagpuan
Marahil ang minsan ay laging nasusundan.
Gaano ba kadalas ang minsan?
Na kapag nagtatalo tila kasama ang sumbatan
Mga sinimulan parang nais wakasan
At nagiging dahilan upang di magkibuan.
Subalit ang minsang bangayan at tampuhan
Pinilit natin itong lampasan para sa kinabukasan
Dahil pangarap din maging sagrado ang pagsasamahan
Kaya naman ika’y inihatid sa simbahan.
Mahal hiling ko lamang sa pinasok nating pag-iibigan
Panghawakan mo ating pangako’t sumpaan
Dahil ika’w at ako’y pinagtagpo ng kapalaran
Na ayon sa karamihan ‘soulmate’ hanggang kamatayan

KUNG TAYO LANG SANA
Kaytagal kong nais sabihin ito sinta
Mga katagang bukod tangi at napakaganda
Subalit may dahilan bakit di ako makapagsalita
Marahil sa relasyon nating kakaiba
Kapag ika’y nagagalak tila ako ay natutuwa
Sa panahon ng iyong kalungkutan puso ko”y nangangamba
Nag-iisip na baka may mangyaring masama
Kaya naman ang pag-aalala ay di mawala.
Kahit namutawi sa bibig na wala akong dapat ipag-alala
Di naniniwalang ikaw ngayon ay masaya
Dahil nababanaag ko sa iyong mga mata
Ang pait at lumbay na lagi mong dala-dala.
Subalit alam kong ito’y isang pangarap lamang sinta
Mahalin ka’y isang kasalanan kay Dakilang Ama
Batid ng lahat na ika’y meron ng asawa
Kaya laging habilin sana buhay ay pakaingatan sa tuwina.

Sa Aking Paglisan Hahanapin Ang Katahimikan
Akala ko noon Mahal, ang Korea ay isang katuparan
Sa mga pangarap na matagal kong inaantabayanan
Sagot sa aking mga kahilingan sa kaitaasan
At isang bagay na maaring sabihing kaganapan.
Noon Mahal dalawa tayong magkasama sa simbahan
Tuwing Linggo lagi mo akong inaalalayan.
Dahil sa pag-aakalang ika’y tugon sa kahilingan
Sinabi agad sa iyong huwag akong pababayaan.
Sa matuling paglipas ng araw at buwan
Tila napapansin kong ako’y iyong pinaglilihiman.
Kapag tumatawag ika’y lumalabas ng tarangkahan
Para tinig mo’y di ko mapakinggan.
Subalit dumating ang oras ng paggising ng Kaitaasan
Ang balita’y ikaw ay mayroon ng pinangakuan
Iyong pakakasalan kapag kontrata’y magkakaroon ng katapusan
Kaya naman buong pusong tinanggap ng walang pag-aalinlangan.
Paalam Mahal dahil ika’y aking iiwanan
Hahanapin ko ang tunay na kaligayahan.
Hindi pang maikling panahon at madalian
Kundi panghabambuhay na nakasentro sa Amang Makapangyarihan.