ANG SINING NG PAG-IBIG
Ang kuwento ng pag-ibig ni Florante at Laura ay pinatanyag ni Francicso Balagtas na sarili nating manunulat. Samantalang ang Romeo at Juliet ay naging bantog dahil sa dunong at galing ni William Shakespeare na mula sa ibang bansa , ang kasaysayan nina Venus at Adonis mula sa Greek Mythology ay isa ring maituturing na bantog. Sina Cleopatra at Mark Anthony na pinagtagpo sa isang lugar na nagmula pa sa Emperyong Roma at Ehipto ay di malilimutan sa kuwentong nagmula pa sa bibig ng ating mga ninuno.
Karamihan sa atin ay di nauunawaan ang tunay na kahalagahan ng katagang Pag-ibig kung di tayo nakakaranas na masalubong ang dakilang salitang ito, saka pa naiintindihan kung bakit ganito at ganoon?
Kadalasan kapag nabigo sa larangang nabanggit agad itinuturing na ito'y isang pagkakamali. Datapwat kapag nakahanap ka naman ng panibagong karanasan saka sasabihin na ang nakaraan ay parang isang guro at panday na laging nakaagapay upang di na muling magkamali.
Kung tutukan ng maigi ang salitang ito tiyak magugulat tayo dahil sa bawat pag-ikot ng orasan maraming bagay ang nangyayari. Sa bawat araw na lumilipas parang pakiramdam mo'y lagi kang nakikipagsapalaran sa isang bagay na mahirap ipaliwanag. Minsan ginagawa nating favorite quotation " It's better to fall in love and lost it rather than not to fall in love at all." Parang try and try and until you succeed.
Subalit ayon sa mga bihasang tao "Ang tunay na pag-ibig ay di dapat masira sa isang pagkakamali o nakukuha sa isang biglaang pagmamahal. Ito ay panghabangbuhay na pagkatali na kung saan laging nadaragdagan ang iyong karununga't kaalaman kung paano ka uunlad at magiging matatag sa hinaharap.
Ang magmahal at umibig ay maituturing na isang pakikipagsapalaran upang mabatid mo na ikaw ay maaring matanggap ng ibang tao. Subalit kahit gaano pa kalaki ang ibinigay mong puhunan dapat handa ka sa magiging resulta.
Paano ba natin maaring bigyang kahulugan ang katagang ito ? Sa pag-ibig kapag ikaw ay nabigo maituturing mo itong pagkadapa subalit di pagbagsak, minsang pagkakamali datapwat hindi pangmatagalan, nasugatan ka subalit di maaring mag-iwan ng pilat na lagi mong napagmamasdan sa harap ng salamin.
Ang lahat ng tao ay di manhid sa katagang ito kahit nga ang hayop ay marunong umibig, tayo pa kaya? Ang pag-ibig ay di isang laro na kung ayaw mo na ay basta-basta mo na lang iiwanan. Paano daw nalalaman na ang mga matatalino ay may kahinaan din? Ayon sa mga nakaranas na, ang pag-ibig ay walang pinipili kung talagang tinamaan ka ng palaso ng mapaglarong kupido at kahit alam mong mali pilit mo itong ipaglalaban dahil mayroong kapangyarihang nag-uutos sa iyong puso na diktahan ang isipan.
Dahil sa pag-ibig maraming tuhod ang lumambot ng di natin inaakala.Dahil sa pag-ibig maraming prinsipyo ang nasisira. Dahil din sa katagang ito tayo'y naging tao na lagi nating kasama-sama mula pagkabata hanggang pagtanda.
Ang tunay na pag-ibig ay walang pag-aalinlangan, walang kondisyong ibinibigay at walang maaring tumapat nito kahit salapi. Hindi basta-basta nakukuha pilit itong pinaghihirapan at nililinang.
Ang sining ng katagang ito ay pagtanggap sa katotohanang mayroon talagang nakalaan para sa atin na itinadhana ng Panginoon upang maging kasama-sama sa hirap at ginhawa.
2.12.2004
MGA AWITIN NG PAG-IBIG
Dito sa Korea kung ating papansinin maraming pinagtagpo ng di nila inaasahan. May naging magkasintahan na kahit sa guni-guni ay di man lang naisip na ang taong kaharap ay makakasama habambuhay.Sari-saring kuwento ng pag-ibig ang maririnig mula sa mga bibig ng ating mga kaibigan. Minsan nga nagtataka tayo kung bakit ang batang lalaki ay nakatagpo ng matandang babae.Kundi naman ang batang babae ay nagkaroon ng katuwang sa buhay na matandang lalaki.
Kapag dumarating ang pagdiriwang ng "Valentine's Day" agad pumapasok sa ating isipan na pagdiriwang ito sa tungkol sa mga nilalang na nag-iibigan.
Kung susubukang buksan at bisitahin ang website ng www.eradioportal.com at kung i click naman ang Love Notes na ang host ay ang tanyag na si Joey Mango, nakakaaliw at nakakagulat dahil tinatalakay dito ang iba't-ibang suliranin hinggil sa Pag-ibig. Kaya nga kadalasan sa tuwing napapakinggan ang mga hinaing ng nagpadala , tiyak maibubulalas na bawat nilalang pala ay may kanya-kanyang kuwento't kasaysayan ng buhay Pag-ibig. Minsan nga may mga nagsasabing "Sana dalawa ang puso ko", "We have the right love at a wrong time", "Bakit ngayon ka lang" at "Forever is not enough".
Totoong ang bawat kasaysayan ay may simula subalit bago makarating sa katapusan ng kwento ay daraan muna sa tinatawag na climax na kung saan dito matatagpuan ang tunay na sangkap at nilalaman upang ganap na maunawaa't maintindihan kung anong nais ipahiwatig sa karamihan.
Kahalintulad ng mga kababayan natin na nasa Pilipinas ang mga nandito sa Korea ay mayroon ding suliranin subalit mas masahol pa dahil ang iba'y matatawag na ilegal. MInsan naman ang theme song nila ay "Sana bukas pa ang kahapon" "Bukas na lang kita mamahalin" o di kaya'y
"Kung ako'y iiwan mo".
Sa ating paglalakbay ay di talaga maiiwasan ang mga hilahil at balakid sa buhay datapwat kung mahigpit lamang at mayroon din tayong awiting pinanghahawakan tiyak tuluyang malalampasan ang mga pagsubok na ito. Gaya ng "Lead me Lord", "Take me out from dark my Lord", "Ang Panginoon ang aking Pastol" o di kaya'y ang mga Salmo ni Haring Solomon, at kung alam natin ang ipinapahiwatig ng mga awiting ito marahil ngingiti ka nalang dahil paglingon mo sa likuran ang mga tukso ay tiyak nakasimangot at galit na galit dahil di ka niya nahila sa kasalanan.
Marahil kung batid lamang natin ang mga lyrics ng bawat napapanahong awitin, lalung-lalo na sa panahon ng pag-aalinlangan at kalituhan ito siguro ang magdadala sa atin tungo sa kaligtasan ng ating mga sarili. At kung malalampasan ang mga pagsubok na ito nakakatiyak ang bawat isa na walang kaguluha't pakakahiwalay na mangyayari.

Subscribe to:
Comments (Atom)