5.20.2004

KABATAAN ! PAGNILAYAN MO ANG TUNGKULING IYONG GAGAMPANAN PARA SA KINABUKASAN ?


Araw-araw ay maraming pagbabagong nagaganap at nangyayari sa ating kapaligiran. Kaya naman nararapat lamang marahil na ang bawat isa ay laging handa sa ganitong nagaganap. Walang nakababatid kung anong mangyayari sa hinaharap at darating na bukas at iyan ay tunay na di maikakaila.Minsan nga ang mga kausap natin ngayon ay bigla na lang naglalaho kundi naman ang mga taong pagkakakalam natin na mabait ay may itinatago palang di magandang pag-uugali.

Tayong mga Filipino sa kasalukuyang panahon ay may iba't ibang katangiang maaring maipagpunyagi sa buong mundo. Marami na rin sa ating mga kababayan ay unti-unting nakikilala sa iba't ibang panig ng daigdig katulad nina Jasmine Trias na kababago lamang natanggal sa "AMERICAN IDOL" competition at ang bantog na boksingerong Manny Pacquiao na batid ng lahat na dapat siya ang tinanghal na nagwagi sa laban nila ni Marquez ng Mexico. Subalit sa kabila ng resultang ibinigay sa ating mga kababayang nabanggit ay buong tapang at maluwag sa dibdib nilang tinanggap ang kinalabasan.

Dumako naman tayo sa naganap na pang-aabuso ng mga amerikanong sundalo sa mga kawal ng Iraq. Ang nakakalunos na balitang ginawa ng mga taong ito sa mga nahuling sundalo ay isang simbolo ng human rights violation kaya naman nagdulot ito ng pangit na pagtingin ng buong mundo sa bansang amerika. Datapwat isa sa pinakamagandang balita dahil ang nag-expose ay isang sundalong Filipino.

Tunay na di kayang pantayan ang mabuting katangiang napapaloob sa atin bilang Filipino dahil kung pilit nating babalikan ang hirap na pinagdaanan ay baka maibubulalas natin na ganito pala ang mga salinlahi ni "Gat Jose Rizal" kahit batid nila ang panganib na susuungin ngunit dahil may nais ipahiwatig sa mata ng mga taong hilig ay mang-api ng kapwa walang takot nilang pinapasok ang panganib na ito upang itama ang mali.

Subalit kung ang iba nating kababayang Filipino ay patuloy na nagpapakitang gilas sa iba't ibang panig ng mundo, tila mayroon tayong dapat bigyang pansin na nagdududulot ng palaisipan sa buong daigdig. Nitong nagdaang araw ay isang Filipinong kababayan natin ang napatawan ng parusang habambuhay na pagkakabilanggo sa kadahilanang walang awa nitong pinagpapaslang ang kanyang magulang at kapatid na 18 taong gulang sa Australia na kung saan ang nabanggit na pamilya ay doon naninirahan at ayon sa mga nag-iimbestiga ang numero unong motibo ay dahil sa perang makukuha nito na nagkakahalaga ng 1. 5 million dollars.

Tunay ngang ang buhay ay kahalintulad ng isang timbangan, upang ganap na maging balanse minsan ang pagkakamali at kasalanan ay di kayang iwasan kusa itong dumarating at tayo na mismong nagmamatyag ay dapay laging handa sa ganitong pagsubok na daraan. Bagamat nasa ating mga kamay lamang ang wastong kasagutan kung paano ito malalampasan.

Sa susunod na linggo ay ipagdiriwang natin ang pambansang araw ng mga kabataan na magiging pag-asa ng ating kinabukasan at maaring ituring na magsisilbing tulay para sa panibagong salinlahi, magtatanim ng panibagong butil upang sa hinaharap ay maging ganap at matatag na puno para makapagbigay ng isang mabuting bunga sa sambayanan.

Sa bahaging ito buong puso kinakatok ang mga kabataan na makiisa sa panawagan ng ating pamayanan na kung sakaling mabasa ang artukulong ito ay taas noo nawang makilahok at makiisa sa mga gawain ng ating Hyehwadong community, huwag ipagkait at itago ang mga kakayahang nasa inyong puso't isipan dahil ang mga itinuturing nating mga kilala't bantog na matatandang nagbigay inspirasyon sa ating kinabukasan ay minsang dumaaan sa pagiging kabataan.


HUWAG MAGKUBLI ! LUMANTAD AT MAKIISA DAHIL IKAW ANG HUHUBOG SA PANIBAGONG BUTIL NA UUSBONG ..................