PAKINGGA'T PAGNILAYAN MO ITO KABAYAN !!!
Tunay ngang walang makapagsasabi kung anong bukas ang naghihintay ng bawat isa sa atin. Gaya halimbawa ng isang kilalang artista na sawimpalad na binawian ng buhay habang nakatulog sa kanyang sinasakyan na nahulog sa isang lugar. Sa pangyayaring ito tila nagimbal ang mundo ng Philippine showbiz.
Dito sa Korea kung araw-araw ay maraming pagbabagong nagaganap, marahil marami ring pangyayaring di kayang ipaliwanag ng karamihan. Ayun naman sa mga matatalinong tao, kakambal talaga ito ng ating kasalukuyang daigdig, lahat ay kinakailangang makaranas nito.
Laman ng bawat pahayagan sa buong kapuluan ng Korea ang ginawang Impeachment sa kanilang pangulo at ito'y yumanig sa buong mundo ng pulitika na mag-iiwan ng maraming palaisipan at katanungan kung bakit ito nangyayari. Isang kasaysayan na kailanman di kayang limutin ng mga mamamayang singkit.
Ang buhay na bigay ng Diyos ay di kayang panghawakan subalit maari nating kontrolin kung anong landas ang nais tahakin. Kadalasan ayon sa mga ninuno natin na tayo ang gumagawa ng sariling bakas patungo sa hinaharap. Mahirap mang unawain datapwat ito ang katotohanan.
Ang panahon ng Kuwaresma ay may isang napakalaking panawagan, kung pagninilayan hindi lamang sa 40 araw na pangingilin kundi maging sa araw-araw na ating pamumuhay at paglalakbay.
Pagbabalik loob at pagtalikod sa maling nakasanayan ang hinihiling ng Panginoon, at kung sasambitin mang mahirap kaagad gawin subalit nawa sa unti-unting pagbabagong gagawin laging itatak sa isipan na kung tunay ang saloobing ninanais tiyak kahit harangan ka ng dambuhalang balakid ay makakaya mong gawin.
Batid nating napakadali lamang gumawa ng desisyon sa katunayan kahit sa isang kisapmata'y marami tayong magagawang kamalian ngunit ang pagbabago at pagbabalik loob sa Panginoon ay mahirap gawin dahil tila may mga puwersang ayaw tayong tanggapin minsan nga kahit ang mga taong nakapaligid sa atin ay nag-aalangan kung tunay at bukal ba sa ating kalooban ang pagbabagong pinasok.
Sa tagapagmasid naman nawa'y itatak sa isipan na sana'y laging bukas ang ating puso sa pagtanggap sa mga nilalang na nagkamali.Huwag sanang haluan ng pag-aalinlangan sa mga taong ibig magbalik loob sa ating Dakilang Ama. Kapag ito'y kumatok bakit di natin pagbuksan at tanggapin ng may mga ngiting namumutawi mula sa ating mga labi.
Ang pagsasabuhay ng "golden rule" ay isang konkretong halimbawa na tinutupad ng bawat isa ang panawagan ng Diyos. At marahil kung napagmamasdan ito ng ating mga supling na tinaguriang "pag-asa ng ating mundo" tiyak na ito rin ang patuloy nilang isasabuhay sa kanilang kapwa sa hinaharap.
3.12.2004
ANG BAKOD
Kapag ang bahay ay may nakapaligid na bakod, tila iba ang tingin ng mga tao sa atin dahil minsan tinitingala ka nila, subalit ayon sa mga nakararami depende naman sa pagkakayari nito. Kaya naman may mga katanungang laging sumusulpot na mahirap iwaksi.Gaya ng para saan ba ang bakod ? Bakit kinakailangang lagyan ng bakod ang bahay samantalang gastos lang ito kung aanalisahing mabuti.
Ayon sa mga bantog na tao ang bakod ay simbolo ng kapangyarihan at katayuan sa buhay. Kung ang bakod ay yari sa kawayan at kahoy matatawag natin itong hindi gaanong may sinasabi sa buhay. Ngunit kapag ito naman ay gawa sa bakal at bato, agad naiisip na mayaman ang may-ari nito.
Kadalasan ang bakod ang ginagawa nating pananggalang sa mga masasamang tao na nagnanais pumasok ng walang pasabi. Kaya naman kapag merong bakod ang ating mga bahay agad nagagalak dahil iniisip na walang sinumang maaring basta-basta nalang manggulo o gumawa ng masama at higit sa lahat ay payapa tayong makakatulog sa gabi.
Sa kasalukuyang panahon ang bawat nilalang ay may sariling bakod na iniingatan.Buong akala marahil na ito ay makakatulong subalit kabaliktaran sa nabanggit na unang halimbawa.Ito ay di nakikita subalit napapansin ng karamihan kahit pilitin mang itago.
Ang "AMOR PROPIO" na tinatawag ay isang napakalaking bakod na hadlang sa paglago ng ating kaluluwa at iyan ay isang konkretong katotohanan.
Ang pagiging madasalin natin na laging ipinapakita at ipinapahayag sa araw-araw at tuwing Linggo ay hindi napakalaking katanungan hinggil sa ating pananampalataya. Subalit ang katagang nabanggit ay isang hamon kung paano ganap na ipinakikita't isinasabuhay ang dakilang kautusan ng Panginoon.
Ngayong panahon ng kuwaresma ang pinakamahirap gawin sa kapwa ay ang pagpatawad, lalo na ang patatawarin ay isang taong nakagawa ng malaking kasalanan sa o di kaya'y nagdulot ng sama ng loob at nag-iwan ng pilat sa iyong puso.
Paano masasabing malayang naisasabuhay ang dakilang aral ng Panginoon kung lagi kang nakatutok sa kasalanan nito at di ang paglimot. Maari rin nating sabihin na marahil sa patuloy pa ring paghihimagsik ng kalooban.at ito'y nagiging dahilan ng pagkakaroon ng bakod sa ating puso.
Isang panawagan sa lahat ng mga taong patuloy na nananampalataya na kung tunay ang ating pagnanais na tahakin ang daan tungo sa kaharian ng Diyos, sana tanggalin natin ang mga bakod na patuloy na nagiging sagabal sa pagtupad sa pagmamahal sa Diyos.Nawa'y magpakumbaba sa lahat ng oras.

Subscribe to:
Comments (Atom)