Saan Ka Man Naroroon
Noon ang buhay ko ay binabalot ng kalungkutan
Dahil paggising ko tila puno ng kahungkagan
Parang may hinahanap akong di matagpuan
At ganda ng kapaligiran di magawang ngitian.
Subalit ganap itong nagbago nang pinagtagpo ating daan
Nakilala kita sa di inaasahan at kakaibang pamamaraan
Sabi nila ay internet chatting daw kung tawagin ng karamihan
Kaya naman ang kalumbayan ay napalitan ng kasiyahan.
Mahal, sa ikli ng panahong ating pinagsamahan
Isang natatanging pag-ibig sumibol sa kaibuturan
Mala hardin ng rosas lagi kong nasisilayan
At marahil tunay na pag-ibig na di kayang pantayan.
Ngunit ang kaligayahang iyon ay di pangmatagalan
Sinubok tayo ng panahon at tinanggap na ito ang kapalaran
Kaya naman sumumpa na pagmamahalan ay panghahawakan
Kahit anong mangyari ang nakaraan ay muling babalikan.
Saan ka man naroroon aking dasal sa Kaitaasan
Nawa ay gabayan ka niya sa araw-araw na pakikipagsapalaran
Huwag kang bibitiw sa ating pangako”t sumpaan
Dahil batid kong ika’y kaloob ng Amang Makapangyarihan.
1.25.2008
Ang Kahapon ay Tuldukan, Ang Ngayon ay Ngitian
Sa mga Filipinong mahilig makipagsapalaran
Nawa ang bawat isa, taong 2008 ay pagnilayan
Dahil may hatid ito sa atin na katanungan
Na nararapat lamang na masagot ng may kalaliman
Noon ang Korea ay inaakalang bansang tugon sa pangangailangan
Ngunit bakit kaya ngayon tila wala pang naipundar na kayamanan?
Dahil ba sa abala sa pakikipagsosyalan at ibang libangan
O baka naman may natagpuan na kopol-kopolan
Tunay ngang ang paglalakbay sa ibang bayan
May kaakibat na tukso at balakid paminsan-minsan
Datapwat kung susuriing mabuti tayo ang may kasagutan
Na di dapat idahilan na tayo'y mahina at marupok kaibigan।
Sana Kasabay sa pagtuntong ng alas dose ng orasan
Kung nanalangin tayo kasama ang buong Sambayanan.
Ang puwersa na bumabalot sa kadiliman
Marahil tuluyang maglalaho at matutuldukan।
Mag-ingat Nawa sa Tuwina
Dati-rati akala ko napakalungkot sa Korea.
Subalit sa palagian kong pagsisimba
Tila ang lumbay ay napawi at nawala
Dahil sa tulong ng Dakilang Lumikha.
Ngunit may mga panahong sinusubok ng tadhana
Ang higpit ng kapit sa panananampalataya.
May araw na si Taning laging nag-aanyaya
Na lalakipan ng ngiti at animo’y tuwang-tuwa.
“Ating desisyon kadalasang destinasyon” sabi nila
Nakakapanghinayang kung sa kadiliman tayo papunta.
Nakakalungkot kung masusunog naman ang kaluluwa.
Ngunit sa kinabukasan tayo lamang tunay na magpapasya.
Kaibigan huwag naman sana tayong padadala
Sa tukso ng mga matatamis na dila
Na maghahatid sa atin tungo sa landas ng pagkakasala
Dahil ang kalaban laging nakaantabay at nag-aanyaya.

Subscribe to:
Posts (Atom)