4.12.2006






KAHAPON, NGAYON AT SA HINAHARAP
Ikampay mga pakpak tungo sa bagong umaga
Harapin ang sikat ng araw na napakaganda
Huwag katakutan nagbabadyang tadhana
Dahil kung susubukan tila ikaw magiging masaya.
Sana paglipad sa kinabukasa’y huwag mabahala
Isipin na bukas ay inilaan ng Dakilang Ama.
Itanim sa isipan agad maglalaho ang problema
Kapag nilalakipan ng taimtim na pananampalataya.
Pagmasdan mo ang iyong kapwa nilikha
Mayroon ka bang napapansi’t nakikita?
Katulad mo rin ba siyang naguguluha’t nangangamba
Nag-iisip na kapag sumubok ay baka madapa.
Ang kahapon ay may lakip na di malilimutang ala-ala
Ang ngayon ay dapat nating ikagalak at ipagsaya
Ang bukas ay nagbabadya ng hamon sa bawat isa
Kaya naman huwag iwawaglit pananalig sa KANYA.