KUNG PAGBIBIGYAN MO SANA AKO
Kung pagbibigyan mo sana ako
Tiyak na di ka magsisisi at mabibigo
Dahil di naman ako mahilig magbiro
Nawa ilagay sa isipan na ito'y totoo.
Subukan mong paikutin ang mundo
Balikan natin ang lugar ng ating pagtatagpo
Noon at ngayon ikaw lamang minahal ko
Dahil matagal na kitang pinipintuho.
Ang buhay ay iniaaalay sa iyo
At kahit hilingin mo pa ang kabuuan nito.
Kung sakaling mamahalin mo ako
Ipagkakaloob ito ng buong-buo.
Ngayon kung ituturing na mahal din ako
Hayaan mong mamutawi sa bibig ko
Na ngayon at kailanman itutulad kita sa ginto
Isang bagay na mamahaling elemento.
Kung bakit ganito ang pagtingin sa iyo
Marahil Diyos lamang makapagbubulong nito
Walang pagkukunwaring inihalo
Dahil napakataas pagpapahalaga sa iyo.
12.05.2003
MGA LUHA PARA SA KATARUNGAN AT HUSTISYA
Pagmasdan ang isang bayang hinamon ang katatagan ng kanyang mamamayan at dahil sa pagkakaisa nagkaroon ng kaganapan na muling mabawi ang sariling bansa (Pilipinas) na minsa’y niyurakan at inalipusta ng mga banyaga.
Noong unang panahon uso na ang tinatawag na pagtapak sa mga karapatang pantao dahil ang mga Israelita ay walang pakundangang ginawang alipin ng mga taga Ehipto. Sila ang mga tinaguriang Dayaspora ng lumang tipan na dahil sa pagsusumikap at di nawalan ng pananalig ay nabigyan ng pagkakataong sagutin ng Diyos ang kanilang mga luha para sa katarungan at hustisyang ipinaglalaban patungo sa ganap na kalayaan.
Kahit sa Ikalawang Digmaan maraming nalagas na buhay dahil sa tinatawag na Holocaust. Kung natatandaan natin merong ginawang comfort women at ikinulong ng walang kasalanan, meron din isinasali sa firing squad kahit wala namang nilabag.
Balikan natin noong panahon ng Martial Law marami rin ang nakaranas na tapakan ang kanilang karapatang pantao na kagagawan ng ating sariling pamahalaan mismo.Walang pinaliligtas kung sakaling ika’y nagkakasala.
Tayong mga Filipinong manggagawa na nagpapakahirap upang tumulong sa ating mga naiwanang pamilya at mahal sa buhay ay maaring bansagang makabagong dayaspora ng bagong milenyo.Dahil batid ng lahat ang ginagawang pagtanggap natin sa pagtakap sa mga di makataong pang-aalipusta ng mga dayuhan.
Dito sa Korea subukan kaya nating alamin na patuloy pa ring gumagana ang tinatawag na human rights violation. Karamihan sa ating mga kababayang Filipina na nagtratrabaho sa Red light Districts ay nakakatanggap ng pasa mula sa kanilang mga amo kung sakaling di susunod sa mga ipinag-uutos.
Maraming kaso na ang maari nating banggitin, nandiyan ang delayed salaries, ipinapagawa kahit di nila area of concentration gaya ng mga singer natin ay tinatratong hostess para aliwin ang costumer pagkatapos ng pagkanta.
Mga Filipinang tawag ay biktima ng Moonies mula sa Unification Movement. Mga kababayan nating lumalampas na sa oras ng pagtratrabaho at kahit may sakit na nararamdaman ay pilit pa ring pinagtratrabaho sa kani-kanilang pabrika. Nasaan na ang tunay na hustisya’t katarungan nito?
Ngayon patuloy pa rin ba tayong luluha at iiyak sa paghahanap ng tunay na hustisya’t katarungan sa kanilang mga pang-aalipusta o baka naman tutulad din tayo sa mga kapwa natin dayuhang kinitil ang sariling buhay dahil sa matinding pangamba at takot na namamayani?
Marami ang nagsasabi na hindi na talaga mapipigilan ang mga lumalabag na iyan dahil konting suhol lang gagawa at gagawa ulit ng panibagong pagyurak dahil ang ating mga tinitingala tao ay pumapayag sa ganitong sitwasyon kaya naman hindi nagbabago ang takbo ng lipunan.
Maituturing din marahil na paglabag sa karapatang pantao ang ginagawang paggupit sa mga passport na di pa expired na ginagawa ng ating embahada dahil dapat bago gupitin ay tanungin muna ng maayos ang migrante kung sakaling may kulang pang papeles.
Isang konkretong halimbawa na nilalabag ang ating karapatang pantao ay ang CRACKDOWN , dapat di nila ikinukulong ang mga migranteng nahuhuli at laging tatandaan kriminal lamang ang dapat ikulong at tayo’y manggawa na ang tanging pagkakasala ay maghanap ng ganap na pagkakakitaan upang maibsan ang mga kumakalam na sikmura ng ating mga pamilya.
Nawa’y magpakatatag at panatilihing magbasa upang lubos na maunawaan na kahit tayo’y dayuhang karaniwang manggawa nararapat lamang na protektahan ang ating karapatang pantao.

12.04.2003
Seoul "My Experience, My Dream, And My Friend A Place To Remember"
Slender, lovely looking young ladies, witty politicians, balanced system in the laws of government, famous 63 storey of Yeoksam building, the most popular Hyundai carmakers, spicy kimchi, the replica of World's host of 1988 Olympics. Those are the banal sights that one vividly sees in the heart of Soul, Korea.
Sometimes when I was in a pensive mood I would reminisce over my marvelous memories of Seoul. Suddenly flashes back on my mental faculties the chronological and the wonderful events which I have encountered during my years in the "Land of the Morning Calm" would flood my memory.
I recalled it was April 25,1991 at exactly 5:30 p.m. the wheels of the Korean Airliner touched down on the runway. It is undeniable that strong feelings of excitement, thrill, and happiness immediately occurred. Actually we were 21 members in the group on that airplane and our paramount purposes was to land a job, seeking greener pastures in this promise land. In other words we were trying our best luck in order to fill our empty stomachs.
However when we lined up at the Immigration counter everybody was afraid for the reason that we did not have the viable, necessary working documents. Unfortunately my 20 companions were sent back home by the Korean Immigration Officers. and I secretly cried at the sight of them. Minutes passed and the interrogation was finished. I got out with a glum face carrying my unwelcome experience as well as my heavy suitcase.
Outside the airport the cold weather of the spring season struck my face and I was astonished at the beautiful scenery of Seoul, Korea. I whispered to myself, "This is my dream, and I will not go home until my dream would come true."
I had a companion when I took a taxi cab. He too was a foreigner, he described to me the beauty and the ugliness of Seoul, Korea but I ignored him. Instead I focussed my attention on the captivating panoramic view. It's my philosophy in life to examine first and observe before making judgement on a certain place, person, or object.
I arrived safe and tranquil at the exact address described on the calling card given to me by our illegal recruiter, and I met several foreigners who were working in that company. The eagerness to work and to earn money occupied my thoughts. I was not embarrassed in sharing my personal backgrounds to our employer.
I suspected that something was wrong with my worried colleagues and my suspicion was justified. The working hour had ended and we were about to sleep when our coworkers shared their good and bad experiences in that company, their hardships and the unjust and inhumane treatment of our employer. I could not sleep that night I was puzzled but I prayed quietly to the Almighty Creator to guide us and lead us in the right path.
One grim afternoon I heard Korean bad words. I saw my sajang- nim and my co workers arguing over something about the delayed salary. Then my employer slapped my companion hard. I felt pity and attempted to rescue my colleague but my manager slighted and kicked me. My vision became dim and I picked up a heavy object. Then our manager saw what I was holding and he ran away.
That scene made me realize that I was in difficult situation and a plan came to me. Despite the cold I guided some of my fellow migrant workers to a safe motel while others were looking for another job. Even though I was scared, my hopes, dreams and determination to succeed did not vanish, I kept on wishing that someday and somehow those kinds of employers may be awakened to their biased treatment of their mere laborers.
As I look back it seems that time has flown so fast, the hands of the clock rotated continuously, the numbers of the calendar changed its date and the salient silent massive crackdown conducted by the Immigration Officers started in a place and then became widespread. Most of my friends were arrested while working, others were caught and handcuffed while they were peddling and shopping.
Then a few more months passed. The celebration of his birth Jesus Christ arrived. It was also the time when sweet red apples, pears, oranges and strawberries were sold in fruitstand. However, these common fruits are present in our country only during Christmas season and I never go without them, what I missed so much during that season were my friends, my family as well as my life in my own country - the Philippines.
Amidst the sparkling lights at night in Seoul at Christmas our life as illegal migrant workers in Korea during that season was miserable. We did not even have a place to gather together. However, those who have a specific place in which they can share their happiness and their sorrow have limited time because they are afraid to be caught by Immigration Officers.
I've experienced five years of celebrating Christmas in Seoul. I've observed that most of my friends would spend their time after work in the morning talking to their love ones on the telephone. Some would go to church as a holiday obligation while others would spend this memorable day at Chongyangni Foreign Jail. I thanked to God that there is an organization which is popularly known as Foreign Workers in Korea or FWIK that serves as an instrument in establishing a harmonious rapport between the Korean and foreigners from different walks of life. My dreams came true when I joined as one of the volunteers in Myung-dong Foreign Migrant Labor Counselling Office. I contributed some articles regarding foreign workers, emceeing banquets during the FWIK festivals. The more I got involved in this group, the more my wishes are realized.
And after a long period of debate about the issuance of controversial working permit, the benevolent heart of Seoul, Korea government has found a proper, viable solution to prevent foreign migrant workers from hopping from one worksite to another, as well as to protect the rights of their laborers. The answer they come up is the implementation of the working permit system, that is the legalization of migrant workers.
Now my vision has become a reality. I believe that the Seoul, South Korea government has been made aware of the present plight of migrant workers, has become more mature in taking decisive actions and never quits in extending open arms of welfare to mere laborers. Perhaps in spite of the hardships and difficulties that I have experienced being a friend on this country, it's about time I share my strong conviction that the future of Seoul, South Korea will be one the greatest contributors to peace, equal treatment and human rights in the whole world.
*This article won 4th placer at Seoul Essay Writing Contest

BATU-BATO SA KALAWAKAN
WALA SANANG MABUBUKULAN?
WALA SANANG MABUBUKULAN?
Subukan mong igala ang iyong paningin kabayan.Tumingala ka sa kalangitan at muli isa-isahing bilangin ang bituing nagkikislapan. Kung napapagod ka naman bakit di langhapin ang hanging ipinagkaloob ng Amang Makapangyarihan. Ngayon ihiga ang katawan sa papag at piliting gunitain ang nakakakiliting karanasang nagdulot ng kaligayahan at kalungkutan.
Tayong mga nagingibang bayan upang makipagsapalaran at walang takot sumalubong sa dagok ng mabibigat na pasanin ng buhay ay maituturing na mapapalad dahil lalo tayong nagiging matatag kapag ang isang problema ay ating nalalampasan.
Kumuha ka ng isang pahayagan at buklatin kung anong nilalaman.marahil maapailing ka dahil pawang nakakatakot na balita ang iyong matutunghayan. Meron diyan kapwa natin migrante nagpakamatay dahil natatakot na umuwi sa kanilang bayan kung sakaling magiging istrikto na ang pamahalaang Korea at ayon sa survey ay tatlo na ang nagpakamatay.
Kung lagi kang nakikinig sa mga maling balita na minsan ay nagpasalin-salin na sa ibang bibig at di na tama ang nakakarating sa iyo. Marahil magugulat kang talaga dahil kadalasan mas magaling pa ang nagbabalita sa manunulat. Kung di naman ay higit na makatotohanan ang paghabi ng mga kathang isip na balita kaysa sa tunay na nasaksihan. Noong nagdaang ilang araw sabi na marami daw ang nahuli sa lugar ng Sungso-dong, kaya ang mga nakarinig parang may antenna sa tenga kung di naman ay tila may satellite sa ulo dahil ang isa ay naging tatlumpo at lima ay naging limampu. Ngunit ayon sa meeting ng embahada at ng mga kaparian ay 25 lamang ang nahuling Filipino. Nasaan na kaya ang iba? Ah! baka naman ikinulong sa kanilang isipan ng nagbabalita.
Marami ring pagbabago ang ating naeengkuwentro sa araw-araw at minsan nga rin kaalinsabay ng pagbabago ng segundo , minuto at oras may mga bagay na di natin kayang ipaliwanag. Subalit ang kadalasang tanong ay lagi ba tayong handa sa mga pagbabago? Paano kung mga nanlalait na nabigyan ng legalization ay di nila makayanan ang trabahong kanilang pinasukan at muli tatakasan na naman nila ang kani-kanilang amo. Paano kung sabihin ng pamahalaang Korea na maari na palang mabigyan ng sapat na papeles ang mga matatagal na rito. Sino ngayon ang tatawanan at kukutyain ? Handa ba lagi ang bawat isa sa ganitong pagbabago?
Minsan nga may nasalubong ako na namamasyal at katatapos lang ng trabaho nila, naitanong kong bigla na “ Hindi kita ata nakita sa simbahan?” mabilis namang tugon na “Busy sa pag-oovertime at magdidisco kami mamaya!” Wala namang maaring humawak o pumigil sa kanilang ginagawa dahil katawan nila iyan. Datapwat kung kayo ang tatanungin. Ok lang ba?
Tila wala man lang akong narinig na merong ginanap na nagpasalamat dahil nabigyan ng legalization ang ibang migrante . Kahit ang mga organisasyong nakakaalam nito. Ngunit ang katotohanan sa halip ang iba nating kababayan ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban na mabigyan ng pagkakataon na maging legal. Sana naman ay magising ang iba nating kababayang nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho rito ng matagal. Sana suportahan ang kanilang kababayan na halos tubuan na ng bukol sa takot .Subalit tila baliktad ata sila pa itong nagpapakasarap at nag-aaksaya ng oras sa pagliliwaliw at nananakot.
Ang buhay ay tila gulong na hindi lamang nakahinto sa kanyang kinalalagyan patuloy ito sa pag-ikot at hindi laging nasa itaas. Tandaan nawa na kung sino ang nagpapakataas ay ibinababa at kung sino ang nagpapakababa at siya naman ang itinataas.
11.29.2003
PAKINGGAN MO ANG KAPALIGIRAN
Sa muling pagmamasid natin sa kapaligiran
Napapansin mo ba kung anong nais iparating sa karamihan?
Hindi ka ba nagbubulag-bulagan sa katotohanan?
O di kaya’y baka naman ika’y nagbibingihan?
Subukan mong idilat mga mata sa napagmamasdan
Huwag magtangkang takpan lahat ng bahagi ng katawan
Dahil ika’y kanyang nilalang na mayroong gagampanan
Dapat kumilos ng naaayon sa kanyang kagustuhan.
Ang buhay ay binubuo ng iba’t ibang pakikipagsapalaran
Walang nakababatid kung anong bukas na daratnan
Wala ring maaring magsabi kung anong tunay na patutunguhan
Ngunit iisa lamang makapagsasabi sa atin ng lubusan.
Sa panahon ngayon nalilito ang sambayanan
Kung saan at sino ang dapat susundan.
Bagamat lagi sanang isaisip na may tamang daan
Dahil ito ang nakasulat sa lumang kasaysayan.
KABAYAN SA INYONG PAGLISAN
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan
Kasabay ay nagngangalit kidlat sa kalawakan
Kung anong ibig ipabatid sa karamihan
Walang nakakaalam kahit sinuman.
Sa bawat araw na dumaraan
Kasamahan na mga volunteer nagsisiuwian
Parang napakalungkot kung pagninilayan
Dahil matagal din aming pinagsamahan.
Ngayong ang korea ay kanilang iiwanan
Nais ko sanang sila’y pabaunan
Kahit di ito materyal na kagamitan
Subalit maari namang pakaingatan.
Nawa sa pagbabalik sa Lupang Tinubuan
Muling namnamin ang tunay na kapayapaan
Huwag mag-atubiling magtanong kung kailangan
Dahil ipinapahiwatig pagmamahal sa sariling bayan.
Kung sakaling iiwanan muli Perlas ng Silanganan.
Baunin ang mga pinagdaanang karanasan
Na magiging gabay ninyo sa dalisay na daan
At ituring ito’y isang gintong kayamanan.
PATAWAD, PAALAM AT SALAMAT
Ang pinakamadaling sabihin sa isang taong iyong nagawan ng kasalanan ay “Patawad”, samantalang ang katagang pinakamasarap pakinggan kapag nakagawa ka ng kabutihan sa kapwa ay “Salamat”. Datapwat ang pinakamahirap na katagang maaring ipahayag sa mga taong iyong lilisani’t iiwaan ay “Paalam”
Kaalinsabay ng pagbagsak ng mga munting niyebe sa kapaligiran isang nakakalungkot na bagay ang maari nating mapagnilayan sa panahong ito. Kahalintulad ng punong hitik ang bunga subalit dahil sa di inaasahang pangyayari mayroong mahirap na iwasan na dapat nating isaalang-alang .
Ngayong ipinatutupad ang bagong batas hinggil sa mga manggagawang dayuhan. Tila marami ang nabahala at nangangamba na baka sa darating na araw ay masabat sila ng mga immgration officers. Kaya minabuti nilang piliin na lisanin ang bayang matagal na nilang pinaglilingkuran, ang lugar na minsa’y naging bahagi ng kanilang buhay, ang bansang hinubog ang kanilang kaluluwa’t isipan tungo sa wastong daan.
Nitong nakaraang araw ay tatlong volunteer ng Hyehwadong ang nagdesisyong tumulak patungo pabalik sa Lupang Tinubuan o Perlas ng Silangan. At sa mga susunod ay magiging marami pa marahil ang magdedesisyon na lisanin ang bansang Korea.
Walang nakakabatid kung anong magiging kahihinatnan ng mga migranteng mananatili pa rito samantalang wala ring makapagsasabi kung anong bukas ang naghihintay sa mga uuwi. Ngunit natitiyak nating lahat na makakapiling na ng mga migranteng uuwi ang kanilang mga mahal sa buhay na napakatagal nilang di nayayakap at di naipadarama ang init ng kanilang kalinga’t pagmamahal.
Minsan ang mga taong ito ay naging bahagi ng Sambayanan , dahil tuwing Linggo nakikita natin sila na nagpapakahirap maglingkod sa simbahan kahit sabihin pang galing ang iba sa panggabing gawain.
Kung nabanggit sa unang talata ng panulat na ito ang tatlong salita marahil maari rin nating bigkasin ang “Patawad” kung ang ibang volunteer ay minsan di sumusunod na gaya ng inyong dapat asahan sa mga taong naglilingkod sa simbahan, maging ang inyong kapwa volunteer na nakagawa ng kamalian sa inyo. “Paalam” dahil hindi natin batid na sa muling pag-ikot ng daigdig ay muli pa ba tayong magkakasama, at “Salamat”sa mga kabutihan na inyong naiambag sa Sambayanan. Naniniwala ang lahat na sa inyong munting kakayahan ay naging dambuhala ito sa paningin ng karamihan. Salamat dahil nagampanan ninyo at nagawang maglingkod ng dalisay sa kabila ng mga kahinaa’t kalakasan na laging nagsisilbing balakid tungo sa tagumpay.
Hayaan nawa na sa inyong pagbabalik sa ating sariling bayan ay matagpuan ninyo ang kapalarang matagal ng hinahanap, at kahit mapalayo kayo sa ibang volunteer, dahil sa di ninyo ipinagkait ang konting oras na dapat sana’y inyong ipapahinga pagkatapos ng gawain Salamat sa apat na T’s na inyong ibinahagi ang Time,Talent,Treasure at Truthfullness na naging tanglaw sa mga taong naliligaw ng landas.

ANG PAGIGING CHURCH VOLUNTEER AY KATULAD NG HALAMAN AT TABAK
Sino ba sa mga volunteer sa kasalukuyan ang maituturing na walang suliranin sa buhay? Marahil di maikukubli na ang bawat isa ay may mga hilahil na nakaatang sa kanilang balikat , subalit kahit iba’t ibang uri maari nating sabihin na maliit o malaki man, problema pa rin na matatawag.
Ang pagiging church volunteer ay maaring maihalintulad sa isang halaman dahil ito ay nagsisimbolo ng luntian at ang kulay na iyon ay sumasagisag ng tunay na buhay. Kapag itinanim mo ito sa lupa dapat laging dinidiligan ng pag-aaruga at pagmamahal na hindi mo lamang dapat gamitin sa pansariling kapakanan.
Ang halaman ay hindi lamang nangangailangan ng ordinaryong pag-aalaga dapat pupunuin natin ito ng mga elementong sangkap upang ganap na umusbong at umani ng pagpupuri mula sa mga nagmamasid.
Ayon nga sa agham ang sinag ng araw at tubig ang pangunahing elemento para matawag nating mabilis ang paglago nito at upang makapagbigay ng mga karapat-dapat na bunga. Datapwat kahit ang bunga ng halaman ay minsan kaaya-aya at minsan naman nabubulok. Kaya nga sa volunteers merong napupulaan na puwede nating sabihin na nabubuwal agad sa panahon ng pagsubok at meron namang maituturing nating maganda ang nagiging resulta ng kanyang paglilingkod. Subalit sa likod ng katotohanan bawat isa ay nagsusumikap na mapalago ang kanilang relasyon sa tao at sa Panginoon. Mayroon nga diyan na mula pa sa malalayong lugar nagtratrabaho ngunit ang hirap at puyat ay di alintana sa kadahilanang mayroon silang tinatawag na commitment sa Diyos. Gaya nga ng kasabihang kung ika’ynagmula sa butil dapat kinakailangang gamitin mo ang lahat ng pamamaraan para umusbong ka ng maayos.
Bagamat lagi na nating napapakinggan na ang pagiging volunteer ay maari ring maihalintulad sa isang tabak na kapag inihahasa lalong tumitibay, matalas at nagiging matatag sa panahon ng tukso’t kalungkutan.
Ang Diyos ang siyang tagapagpanday ng ating buhay at habang idinadarang tayo sa mainit na baga upang maging ganap na tabak, hindi talaga maikakaila na dadaan tayo sa isang prosesong kahit ang buhay natin ay maitataya alang-alang lamang sa ating mga kababayan.
Ngunit bilang isa ring volunteer ang ating pananampalataya sa Dakilang Lumikha ay maihahambing sa halaman at tabak
Ang pananampalataya natin kahit maliit man kung ating pinapahalagahan naiaabot natin ang ating kamay na laging bukas sa ating kapwa. Gaya ng halaman na kapag ito ay lumaki maaring magbigay ng lilim sa panahon ng matinding init.
Katulad ng tabak na kapag nahasang tuluyan at tumalas makakaya nitong hatiin ang matitigas na bagay. Iyan ay patungkol na maari nating malampasan ang lungkot at kapighatian, ang hirap at pasakit
ANG BAHAGHARI AT ANG ATING PIRA-PIRASONG PANGARAP
Sa kabila ng takot at pangamba na ating kasama-sama sa pang-araw-araw na gawain .Hindi maikakaila na marami pa rin sa atin ang nagtataglay ng katatagan ng loob sa lahat ng oras na minsan dahil sa pinanghahawakan na iyan ay nagsilbing instrumento kung paano nakakamit ang mga minimithi sa buhay.
Sa ating pagbabasa ng pahayagang Sambayanan marami tayong napupulot na aral kadalasan ang iba’y ginagawa itong inspirasyon at maging sa pagtulog ay lagi nilang katabi ang babasahing ito na naging dahilan upang magkaroon ng kaganapan at mabuo ang kani-kanilang pira-pirasong pangarap.
Kung ating napagnilayan ang artikulong “Mayroon pa bang himala?” Marahil tiyak nating walang dapat pang pagtalunan. Kung ipinalabas ng pamahalaang Korea na bawal magtrabaho sa mga pabrika kung ang migrante ay walang sapat na visa. Bagamat dahil sa dobleng pananalig nagkaroon ng katuparan na maglingkod muli ang mga tinanggal sa pabrika.
Sabi nga ng matatalinong tao “ Hindi na kinakailangang ipagsigawan pa natin na bakit ang tagal sumagot ng Diyos sa ating kahilingan ngunit kung tunay ka namang nagmamahal ng lubos sa kanya nagkakaroon ng himala ang ating pananalig.
Magtatanong tayo minsan na bakit eleventh hour na nang magdeklara ang pamahalaang Korea na maari palang muling magtrabaho ang ating kababayang pinagtatanggal sa pabrika. Bakit di natin subukang balikan ang lumang kasaysayan ni Abraham? Noon sabi ng Diyos sa taong nabanggit na ialay ang kanyang nag-iisang anak kung tunay itong nanalig sa Panginoon bagamat namamayani ang lungkot at pagkabahala ay di ito nag-atubiling sundin ang utos kahit sa kabila ng katotohanan na ang kapalit ay pagkitil ng sarili niyang binhi. Subalit dahil sa kanyang dalisay na pagtalima sa Diyos ay nagbago ang kautusan nito na sinusubukan lang pala siya kung gaano katatag ang kanyang paniniwala .
Ang himala ay di kaagad nating nakakamit ito ay pinaghihirapan at pinagsusumikapang abutin kahit ang kapalit ay sariling buhay.
Ngayon subukan nating ituon ang pansin sa ulap kahit batid nating nagbabadya ng malaking unos ang paparating at bubuhos ang napakalakas na ulan datapwat lagi nating tatandaan na pagkatapos nito ay susulpot ang bahagharing binubuo ng iba’t-ibang kulay na magsisislbing inspirasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil sa ito ay VIBGYOR magmula kulay violet hanggang pula may kanya-kanyang nais ipahiwatig sa karamihan.
Ang bahaghari ay simbolo ng bagong pag-asa, bagong bukas upang muling mabuo ang ating pangarap na minsa’y hinamon at sinubok ng tadhana.
Datapwat lagi nating panghahawakan na ito’y makakamit lamang kung paano tayo nananalig sa Makapangyarihang Lumikha.
Ang Halamang Bonsai At Ang Buhay
Maraming katanungan ang ating nasasalubong sa araw-araw na paglalakbay. Minsan dahil sa di natin makayanan kaagad humihingi tayo ng tulong sa Maykapal. Naitanong ba natin kung bakit pagkatapos nating malutas ang isang problema ay kaagad may panibagong dumarating na maituturing na mas mahirap ? May sukatan ba ang Diyos kung anong hilahil ang kanyang ipapasan sa ating balikat?
Paano ba lumalago ang isang tao? Kung siya ba’y laging nakahiga sa kama pagkatapos ng trabaho o di kaya’y kung ang laging kaharap niya ay makina na napakaingay sa loob ng kalahating araw (12 oras)?
Maraming bagay ang ating napagmamasdan sa bawat pakikipagsapalaran. Kung tutuusin mayroong ginawa ang Makapangyaring Ama na maaring lumutas sa ating mga problema kung susubukang pagbubulayang mabuti.
Hindi ba tayo nahihiwagaan kung bakit ang Bonsai na halaman ay patuloy na lumalago kahit napakaliit nito? Hindi ba tayo nagtataka na sa kabila ng kanyang sukat ay maituturing na natatangi sa ibang halaman.
Ayon sa mga matatalinong tao katulad ng ordinaryong halaman ang Bonsai ay nangangailangan din ng wastong pag-aalaga kinakailangang lagi itong puputulan ng kahit konti upang ganap na umusbong at maging madahon ang kanyang tangkay.
Kung ating pagninilayan maari nating maihalintulad iyan sa ating nakikita sa paligid. Sino bang mayamang tao ang walang problema at sino naman mahirap na nilalang na ligtas sa mga pagsubok. Ang pagsubok ay matagal ng kakambal iyan magmula pa sa kasaysayan ng ating unang ninuno .
Dito sa Korea maituturing ba nating higit na mapalad ang mga nakarehistrong migrante kaysa sa mga TNT? Sino ba ang unang nakipaglaban ng batas na iyan? Datapwat huwag nating ituon ang pansin sa pakikipagtalo kung sinong higit na sinuwerte o sinong mga minalas, at ang pagkakaalam ko lahat ay pantay-pantay.
Kahalintulad ng halamang nabanggit kahit gaano pa ang pagsubok na maari nitong masalubong iisa lamang ang puwede nitong patunguhan at ito ang pag-usbong mula sa kanyang kinalalagyan, hindi maaring habambuhay na nakayuko lamang ito sa lupa datapwat taas noo itong haharap sa mga magmamasid at buong tatag na magpupunyagi.

Minsan May Katanungan
Nang pagmasdan ko mga bulaklak sa halamanan
Tila bago pa itong namumukadkad ng lubusan
Di mawari kung anong tunay nitong kapangyarihan
Paano nagmula walang nakababatid kahit sinuman.
Sinubukan kong alamin misteryo ng karagatan
Ginalugad ibabaw na bahagi hanggang kalalim-laliman
At bakit may nabubuhay na nilikha ng kalangitan
Marahil tanging Diyos makapagpapaliwanag sa sangkatauhan.
Ang aming munting tahanan ay aking nilisan
Di mawari kung anong ibig hanapin sa kasukalan
Nagbabakasakali na may sagot sa katanungan
Kaya naman walang masama sa pakikipagsapalaran.
Ngayon naririto ako sa Korea na ibayong bayan
Naghahanap ng wastong kaalaman sa kinabukasan
Kahit kulang aking karanasan sa pakikipagtalastasan
Buong tapang na humarap upang magkaroon ng kaganapan.
Pinilit kong baguhin ang pananaw tungo sa kasalukuyan
Pinagsikapan ko ring abutin mga bituin sa kalangitan
Kahit puno ng kalituhan aking munting isipan
Minabuti na manahimik nalang at maghintay ng katugunan.
BAKIT NGAYON KA LANG ?
Minsan tumingala ako sa kalangitan
Ginunita karanasang di malilimutan
Kaya isinulat sa papel at pinagnilayan
Upang ngitian sa darating na kinabukasan.
Kaytagal kong hiniling sa Amang Makapangyarihan
Na ako'y bigyan ng isang butihing kaibigan
Na gagabay at daramay sa oras ng kagipitan
Aalalay kung sakaling puno ng kahirapan.
Bakit ngayon ka lang aking katanungan?
Kung kailan ka pa napapamahal ng lubusan
Kaagad nalaman na may inihatid ka na sa simbahan
Na tawag nila'y makakasama mo magpakailanman.
Sayang at nagtagpo tayo sa maling daan
Kung wala ka lamang na pinangakuan
Marahil ikaw na ang sagot sa kahilinangan
Na magsisilbing ilaw ko sa karimlan.
FALLING IN LOVE
Love is not easily understood by most people unless they have experienced it. If you think of your past love then you may view it as a failure. But when you find a new love and again you view the past as a teacher.
In the game of love, it does not really matter who is the winner or losser. What is important is that you know when to hold on and when to let go! You know you really love someone when you want him or her to be happy, even if his or her happiness means that you are not part of it. Everything happens for the best. If the person you love doesn’t love you back, don’t be afraid to love someone else again, for sure you will never know unless you give at a try.
You never love a person you love unless you risk for love. Love strives in hurting. If you don’t get hurt, you don’t learn how to love. Love doesn’t hurt all the time. Though the hurting is still there to test you, to help you grow. Do not find love, let love find you that is why its called falling in love because you do not force yourself to fall. You just fall. You cannot finish a book without closing its chapters. If you want to go on, then you have to leave the past as you turn the pages.
Love is not destroyed by a single failure or won by a single cares. It’s a lifetime venture in which we are always learning, discovering and growing. The greatest irony of love is letting go when you need to hold on and holding on when you need to let go. We lose someone we love only when we are destined find someone else who can love us even more than we can love ourselves.
On falling out of love, take some time to heal and then get back on the horse. But do not ever make the same mistake of riding the same one that threw you off the first time. To love is to risk rejection to live is to risk of dying, to hope is to risk failure. But risk must be taken because the greatest hazard in life is risking nothing! To reach for another is to risk involvement, to expose your feeling is to expose true to yourself, to love is to risk not to be loved in return.
How to define love: fall but do not stumble, be constant but not too persistent, share and never be unfair, understand and try not to demand, hurt but never keep the pain. Loving someone means giving her/him freedom to find his/her way, whether it leads towards you or away from you.
Love is a painful risk to take but the risk must be taken no matter how scary or painful, for only when you’ll experience the fullness of humanity and that is love. Only love can hurt your heart, fill you with desire and tear you apart, Only love can make you cry and only love knows why, If you’re not ready to cry, if you’re not ready to take the risk, if you’re not ready to feel the pain then you’re ready to fall in love. There was a time in our lives when we became afraid to fall in love` coz every time we do, we get hurt, then I figured that is why its called falling in love.

KUNG AKO NA LANG SANA
NOONG AKO’Y NANGUNGULILA’T NAG-IISA
MINSAN BUMULONG AKO SA DAKILANG AMA
NAWA SA HINAHARAP PAGKALOOBAN SANA
NG ISANG TAONG LAGING MAKAKASAMA.
SAYANG NGA LANG AT SINUBOK KAMI NG TADHANA
KAHIT GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT NG TAMA
TILA SA PANINGIN NG IBA ITO’Y MASAMA
KAYA MINABUTI NA LANG NA LAYUAN SIYA.
BAKIT GANITO ANG TANONG KO SA KANYA?
KUNG SINO PA ANG NAGBIBIGAY SA IYO NG SAYA
BIGLA NAMANG NAWAWALA NG DI MO INAAKALA
MAY NAIS BA ITONG IPAHIWATIG SA BAWAT ISA?
KUNG AKO NA LANG SANA ANG MAGDIDIKTA
IBIG KO’Y ISANG BUHAY NA NAPAKALIGAYA
WALANG SULIRANIN NA LAGING NAGBABANTA
O HILAHIL NA MINSA’Y ATING IKINABABAHALA.
AT KUNG AKO LANG SANA MAGDEDESISYON SA TUWINA
MARAHIL PANANATILIHIN ANG LANDAS NG PAGKAKAISA
PAGTUTULUNGAN NA WALANG HALONG PAG-IIMBOT SA KAPWA
AT PAGMAMAHALANG KAPALIT NITO’Y TUNAY NA TUWA.

Tanglaw Ng Mga Alipin Ng Alipin Ng Diyos.
Ang mga dahon sa puno ay unti-unting naglalaglagan at ang panahon ay papalamig na naman . Tila ito’y may nais ipahiwatig sa karamihan. Kahit pilitin nating ipikit ang ating mga mata subalit parang kakambal na talaga ng ating pakikibaka ang paghihirap . Minsan sa ating pakikipagsapalaran na sinusuong mayroong nabibigo at meron din namang nagtatagumpay.
Kung ating susubukang tutukuyin kung ilan na ba sa ating malapit na kakilala ang masasabi nating nabigo sa pakikipagsapalaran at kung sinu-sino ang mga nagtagumpay, maibubulalas ba nating higit tayong mapalad dahil naabutan pa ulit at mararanasan ang lamig ng klimang kaloob ng winter season?
Kapag ganito ang uri ng klima di maiiwasan na muli kong napapaikot ang kamay ng orasan patungo sa nakaraan at kasabay niyon ay paghuhugis ng mga mukha ng mga taong minsa’y aking nakilala sa Korea.
Gaya halimbawa ni Mang Tino na kahit maikli ang panahong nailaan niya sa pagiging volunteer datapwat nagkaroon ng katuturan ang kanyang pagiging nilalang. Si Lucy de Guzman na parang kelan lang kasabay kong kumakain sa hapag kainan at masayang nakikipagbiruan na minsa’y naging isa sa mga pinarangalang Huwarang Ina ng Sambayanan.
Si Rose Diaz na sa kabila ng kanyang inililihim na karamdamang breast cancer ay nagawa pa niyang maialay ang konting panahong pamamalagi niya sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod sa simbahan.
Kaytagal ko ring pinagnilayan kung nararapat bang ibahagi sa pahayagang ito o tuluyan ng limutin ang kanilang mga nagawang kabutihan sa kapwa.
Sabihin man nating mayroon silang katangiang marunong magalit subalit namamayani pa rin ang kagandahang-loob na naiabot sa kanilang mga kababayan.
Hindi ko namalayan na sa pagsusulat nitong pagninilay bigla akong sinabihan ng aking kasamahan na malapit na pala ang araw ng mga patay at araw ng mga kaluluwa kaya tamang-tama itong maging paksa.
Kaya naibulalas ko na sa kabila ng kanilang sinapit na tadhana, marami silang ginising na Filipino at naipahiwatig nila na ang karamdaman, kahirapan, at pagiging malayo sa mga mahal sa buhay ay di sagabal upang maipaabot na ang buhay ay napakahalaga, habang naririto tayo sa ibabaw ng mundo kinakailangan lamang gamitin sa tamang pamamaraan.
Kung ang motto ng ating Santo Papa ay maging “Alipin ng mga alipin ng Diyos” bakit di naman natin gawing motto ang pagiging “Tanglaw sa mga alipin ng alipin ng Panginoon.”
Dahil sa likod ng katotohanan na puno ng paghihirap at kapighatian ang ating nararanasan subalit nakapagbigay naman tayo ng liwanag sa ating mga kakilalang nangangailangan ng tulong. Katulad nina Mang Tino, Lucy de Guzman at Rose Diaz.

IKAW NA SANA
Ang kakaibang damdamin ay nagsimula
Nang pinagtagpo ng panahong di tama.
Kahit ang kapaligiran ay di kaaya-aya
Pilit pa ring pinasok magulong tadhana.
May gabing hiniling ko sa Dakilang Ama
Sa pagdedesisyon gabayan niya ako sa tuwina.
Dahil ang buhay ko’y tila di na masaya
Kaya sinabing ipagkaloob ka niya sa akin sana.
Sinikap kong tanggapin ang kanilang pagtatawa.
Binalewala kanilang mga pang-aalipusta
Tinalikuran ko rin pati magulang na nag-aruga
At pakiramdam ko’y tugon ka sa kahapong di maganda.
Sinubukan kong ang aking ulo’y itiningala
Pinakiramdaman na baka ito na katapusan ng simula
Kahit sabihin at lalabas akong tanga’t masama
Marahil di ko maaring pagsisihan ito nawa.
Minsan ka lang dumating sa buhay ko sinta.
Sa oras ng kalumbayan ako’y iyong pinatawa.
Pinahid mo ang mga tumutulo kong luha
Pinagaan ang dibdib kong puno ng pagdurusa.
ANINO NG KAHAPON
Isang mapayapang panahon ang biglang ginulantang ng mga sundalong nag-aklas laban sa pamahalaang Arroyo noong nakaraang Hulyo 27,2003 sa Oakwood Hotel na matatagpuan sa siyudad ng Makati. Sa pamumuno ni Trillanes naging isang napakalaking hamon sa kasalukuyang gobyerno ang kanilang ginawang “mutiny”.
Nakakapanlumong isipin na marami na palang kakaibang bagay ang mahirap ipaliwanag lalung-lalo na sa ating sariling bayan. Kung bakit nagaganap ang ganitong kalagayan marahil dahil may nais lamang na iparating ang mga mamamayang dapat na mangalaga sa kapayaan at kaayusan ng ating bansa na kung tawagin ay mga dakilang kawal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Tama nga bang bansagan silang dakila? Sinu-sino ang dapat papanagutin sa kanilang ginawang rebelyon? Bakit ba sila nahikayat na gawin ang pag-aalsang ito? May mga tao bang kasabwat kaya naglakas-loob silang gawin ang bagay na ito? Paano na ang mga nakatagong lihim ng mga sundalo kung sakaling bumuwelta ang kampo ni Arroyo?
Ano na ba ang tunay na katayuan ng ating bansa sa larangan ng ekonomiya, pulitika at ispiritual na bahagi? Talaga bang kahit gaano katalino ang isang namumuno sa isang bansa ay laging tinitingnan ng mga nasasakupan niya ang kanyang mga kahinaan? Sino naman kaya ang maari nating iluklok sa puwestong ito?
Bigyang pansin naman ang mga kababayan nating manlalakbay sa ibayong dagat.Kahit sabihin pang nakakalungkot isipin na may mga sariling kadahilanan kung bakit sila napadpad sa ganitong kapalaran ay walang makapagsasabi. Kung minsan ayon sa iba ay upang mapunan ang kumakalam na sikmura, mayroon din diyan na ang dahilan ay upang pag-aralin ang kanilang mga anak sa maayos na paaralan at mabigyan ng wastong edukasyon. Kadalasan naman tugon ng iba’y upang makapagpatayo ng isang bahay na maaring tawaging tahanan sa hinaharap na kahit salat sa mamahaling kagamitan ay maari namang masilungan sa panahon ng tag-ulan.
Bawat isa sa atin ay may mga magagandang plano’t balak subalit nakakapanghinayang dahil sa mga balitang ating nakakalap at naririnig tila nakakawala ng gana at pag-asa upang magpakasipag . Kaya nga kadalasan naibubulalas natin na kundi lamang sa mga iniwang pamilya marahil kaysarap ng manatili sa ibayong dagat.
Sa mga lumalabas na pangyayari sa pahayagan nagkakaroon ng palaisipan sa ating mga isipan na bakit ang kasalukuyang panahon ay pagulo na ng pagulo. Mayroon diyan mga mayayamang tao at may katungkulan sa gobyerno sangkot sa mga nakakahiyang eskandalo,kung hindi naman may mga relihiyosong nilalang pilit hinahanapan ng butas upang matanggal sa kanilang kinalalagyan. Mga mambabatas na gumagawa ng ating batas ay siya mismong bumbastos sa ating pagkatao dahil merong mambabatas na sa tuwing dumadalo sa pagpupulong ay laging may dalang alak na nasa tasa upang kanyang inumin sa oras ng miting.Kaya nga sa ginawang pagsisiyasat ng Feliciano Commission ay tila butata ang mga bantog na senador dahil hindi raw marunong sumagot at mali-mali ang english na ginagamit.Tila sila nagsasabong sa isang sabungan na hindi alam kung anong armas ang dapat dalhin.
Sa Pilipinas kapag may pera ka, tiyak ika’y dadakilain minsan ito rin ang nagiging ugat ng pagkakawatak-watak. Ngunit kung ika’y puno ng pagkakautang walang dudang ika’y lilibakin at pag-uusapan ng madla. Ito ba ang tunay na anyo ng buhay o anino ng kahapong namana natin mula sa ating mga ninuno na magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin nating dala-dala?
Maraming mga katanungan ang laging bumabagabag sa atin kahit sa pagtratrabaho at paglalakbay, tila nagiging isang napakalaking katanungan na ano ba ang tunay na kadahilanan sa mga nangyayaring ito? Mahirap bigyang tugon ngunit kung pagbubulayan natin ng maigi tiyak na nawawala na rin ang mga bagay na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na maari sanang gamitin sa mga susunod na salinlahi.
Ang anino ng kahapon ay kakambal ng kasalukuyan at iyan ay hindi maaring ipagsawalang-bahala na lamang. Dahil sa kahapon nagawa ng ating mga ninuno na mailigtas tayo sa mga kamay ng mapang-aping banyaga. Dahil din rito nagkakaroon ng gabay tayo kung anong tamang landas ang dapat tahakin. Dahil na rin sa anino ng kahapon nagkakaroon ng lakas ang bawat isa na mayroon tayong dapat tandaan na dahil sa pananampalataya lubos nating nakilala ang Dakilang Tagapaligtas na siyang nagtuturo sa atin sa bawat pagbagsak kapag malalim ang iyong pananalig nagkakaroon ng kasagutan ang suliraning kinahaharap.

11.22.2003

MAYROON PA BANG HIMALA ?
Minsan sumigaw si Nora Aunor sa kanyang pelikula na “Walang himala nasa puso ang tunay na himala!” na naging dahilan upang tanghalin siyang best actress.
Sa makabagong panahon marami na ang ayaw maniwala sa salitang Himala.Sabi nga nila na ang mundo ay puno na ng pagkukunwari at kabuktutan,halos di na batid kung ano ang kaibahan ng tama’t mali? Paano maghihimala na sa kasalukuyan pati imahen ng santo’t santa ay ginagamit sa pagnenegosyo? Kadalasan mga negosyante malimit nilang ginagamit ang mga taludtod ng isang kabanata sa bibliya upang makahikayat ng mga kostumer.Kaya nga kapag nakakaloko na ay agad hahalakhak na iyan ang himala.
Totoo bang mayroong himala? Ito ba ay plinano kung kanino ipagkakaloob? Mayroon bang talaan ang Panginoon kung sinong nararapat na kandidato upang makatamasa ng pagpapala ng Diyos Amang Lumikha?
Bigyang pansin natin ang ating patron na si San Lorenzo Ruiz,hindi ba’t bago sila nagpunta ng bansang hapon ay may mga kasama siyang mga Dominikanong pari na madasalin at malalim ang pananalig. Subalit napakalaking himala naman dahil napagkalooban siya ng bansag na Dakilang Santong Martir na kung iisipin ay di naman talaga siya misyonero.
Tunay nga bang maraming di inaasahang kandidato sa pagkapropeta at santo? Kahit si Abraham na walang tagapagmana’y nagkaroon ng lahing naging sindami ng bituin sa langit at buhangin sa dagat? Maging si Moises na isang takas at utal-utal ay naatasang magpalaya sa mga hudyo mula sa pagkakaalipin sa bansang Ehipto. Ganun din ang dating pangulong Corazon Aquino na kung tutuusin ay walang karanasan sa pulitika ay naging matatag na pinuno sa isang mapayapang Edsa Revolution.
Sa ganang akin alam kong batid ng lahat ang kasaysayan ng iba pang mga tinitingala nating tauhan sa bibliya. Kahit nga dito sa Korea makailang ulit ng nagpalabas ng kautusan ang gobyerno na dapat paalisin na ang mga dayuhang manggagawa sa itinakdang panahon. Datapwat dahil sa taimtim na panalangin at pananalig nagkaroon ng kaganapan ang ating mga kahilingan na hipuin ng Panginoon ang puso ng mga Koreano.
Kung nagawa nating mapaghimala noon bakit di natin gawin ngayon sa halip na panic at mga pangamba ang laging mamayani sa bawat oras.
Naniniwala ako na kung ang lahat ng mga illegal na migranteng Filipinong manggagawa ditto sa Korea ay magkakaisang mananalangin sa isang itatakdang araw bago dumating ang kinakatakutang crackdown. Tiyak kong maiibsan ang kanilang takot at pagkabalisa kapag ito’y kanilang nagawa.
Katulad ni San Lorenzo Ruiz na dahil sa kanyang malalim na pananalig at pananalampataya na naging tulay upang ganap na siya’y biyayaan ng Panginoon.
Subscribe to:
Comments (Atom)